Sinasabi ng mga patakarang ito kung para saan puwede at hindi puwedeng gamitin ang ProxyWorld proxy. Bahagi ito ng Mga Tuntunin ng Serbisyo at pareho ang bisa sa bawat account at plan.
1. Pinapayagang gamit
Magagamit ang ProxyWorld proxy sa legal na negosyo at personal na trabaho. Halimbawa:
- Pagkolekta ng web data na pampubliko.
- Pag-check kung paano lumalabas ang ad sa iba't ibang bansa at lungsod.
- Pagmo-monitor ng presyo at stock sa mga online store.
- Pag-check ng local search ranking at pagsasagawa ng SEO audit.
- Pag-test kung ano ang itsura ng website at app mula sa ibang bansa.
2. Bawal na gamit
Hindi puwedeng gamitin ang ProxyWorld sa mga sumusunod.
- Pagbukas ng login page ng bangko o ibang financial institution.
- Pagbisita sa mga website ng gobyerno.
- Anumang ilegal.
- Spam o maramihang mensahe na hindi pinayagan ng mga tatanggap.
- Credential stuffing (pagsubok ng na-leak na login details sa maraming site) o anumang pagtatangkang pasukin ang account ng iba.
- DDoS o ibang traffic na layong pabagsakin ang isang serbisyo.
- Anumang lumalabag sa mga batas na sumasaklaw sa site na kinokonektahan mo.
3. Paggalang sa mga site na binibisita mo
Sundin ang mga batas na sumasaklaw sa iyo at sa bawat site. Pampublikong impormasyon lang ang kolektahin, at bigyan ng pagitan ang mga request para hindi ma-overload ang site.
4. Pag-iingat sa account at credentials mo
Ikaw ang namamahala sa login details mo (email at password, o token), sa proxy username at password, at sa Allowed IPs mo. Ikaw ang responsable sa lahat ng traffic na ipinadala gamit ang mga credential na iyon, kasama ang traffic ng mga kasamahang binahagian mo.
5. Pagsusuri at aksyon
Puwedeng i-block ng ProxyWorld ang access sa ilang site sa gateway at sinusuri nito ang mga natatanggap na abuse report. Sinu-suspend ang mga account na nag-aabuso sa serbisyo.
6. Balance pagkatapos ng suspensyon
Kapag na-suspend ang account dahil sa paglabag sa patakarang ito, titigil ang lahat ng plan nito at hindi ire-refund ang natitirang balance.
7. Mga pagbabago sa patakarang ito
Puwedeng baguhin ng ProxyWorld ang patakarang ito. Tingnan ang petsa sa itaas para sa bersyong may bisa.